MANILA, Philippines - Tatlong Milo Checkmate kid na babanderahan ng 14 anyos na si Carmella Galve ang aalis bukas patungong Amerika upang lumahok sa 2009 Las Vegas Internationasl Chess Festival na nakatakda sa June 4-7 sa South Point Hotel in Las Vegas, Nevada.
Makakasama ni Galve ang 12 anyos na si Gino Divino Cabual at 6 anyos na si Stephen Rome Pangilinan, ang pinakabatang player na pumasok sa international-bound checkmate team.
Bukod sa chess competition, ang tatlong bata ay may educational tour din sa Las Vegas at sa Disneyland-California. Sila ay sasamahan ni WNM Mila Emperado, nagtatag ng Checkmate
Ang biyahe ni Galve ay suportado ng Badge of Honor Foundation, San Miguel Corporation, Divine Light Academy of Las Piñas at Congresswoman Cynthia Villar. Habang ang biyahe ni Cabual ay inisponsoran ng City Councilors ng Parañaque na pinamumunuan ni Councilor Giovanni Esplana, Parañaque Vice-Mayor Gus Tambunting, Parañaque second district Congressman Roilo Golez at first district Congressman Eduardo Zialcita.
Sa kabilang dako, ang biyahe ni Pangilinan ay babalikatin nina Manila Mayor Alfredo Lim, Vice-Mayor Isko Moreno, Congressman Benny Abante at Councilor Lourdes "Bonjay" Isip, Sen. Alan Peter Cayetano, Mayor Eduardo V. Roquero ng San Jose del Monte, Bulacan Gov. Jonjon Mendoza at Bulacan Vice Gov. Willy Sy Alvarado.