^

PSN Palaro

Gantimpalang Kawayan

GAME NA! - Bill Velasco -

Karaniwan tayong nakakakita ng mga malalaking tropeo na gawa sa kumikinang na bakal tuwing may laro sa anumang isport. Dahil mabigat ang mga ito, literal na mas matimbang ito sa pananaw natin, at kailangang bahagya tayong mahirapang magbuhat nito, para maramdaman nating sulit ang ating paghihirap sa pagiging kampeon. Ito na ang nakasanayan natin, at minana sa mga Amerikano, na mahihilig magbigay ng tropeo. Sa katunayan, ang mga pinuno ng mga pamahalaang lokal ay nagbibigay ng mga pagkalaki-laking tropeo tuwing may paboksing.

Madalas (at walang biro ito), mas malaki pa sa mismong boksingero ang mga tropeo. Nagbibiro nga kami na baka sa pagbitbit pa ng trophy matumba yung boksingero, sa halip na sa laban.

Subalit, ngayong kumakalat na ang kaalaman tungkol sa environmental awareness, at mas nagiging makabayan ang ating mga mamamayan, bagong nauuso ngayon ang mga trophy na gawa sa mga natural na bagay na nakikita sa ating kapaligiran. Dito sa Pilipinas, ang laging nasa paligid ay ang bamboo.

Sa bayan ng Maragondon, Cavite, ginawa pa itong livelihood program ng lokal na pamahalaan. Dito sa pinakamalaking bahagi ng Cavite, ang 16,400 hectares ay karamihang kawayan, dahil na rin sa mahabang ilog na pumapalibot sa bayan.

“Noon, itinanim ang kawayan dito dahil sa lakas ng agos ng ilog, bilang proteksyon sa pag-anod,” ayon kay Mayor Monte Andaman, isang engineer. “Kaya naman yumabong ng husto.”

Dahil sa dami ng bamboo sa kanyang bayan, naisipan ni Mayor Andaman na gawin itong programang pangkabuhayan para sa mga mamamayan. Dahil mabilis din tumubo ang bamboo sa kahit anong kundisyon ng lupa, madaling kumuha ng materyales.

“Sa ngayon, mahigit 35 pamilya na ang ating natutulungan sa paggawa ng mga trophy mula sa bamboo,” pagpapatuloy ni Andaman. “Kung malalaman ito ng mas maraming tao, mas marami pa tayong matutulungan.”

Para lalong masuportahan ang proyekto, ipinapakita pa sa mismong gusali ng munisipyo ng Maragondon ang mga produktong gawa ng mga mamamayan nito. Kasama ang mga muwebles, lampara, wine holder at kung anu-ano pang kasangkapan sa display. At may plano pang ilapit sa Department of Tourism ang mga produkto para maipakita sa buong mundo.

“Maipagmamalaki natin ang pagiging malikhain ng ating mga kababayan,” dagdag ni Andaman. “At dahil damo naman ang kawayan, walang napapatay na puno. Malaking pakinabang talaga ang mga trophies. Bakit nga naman kailangang gawa sa bakal o kahit kahoy, kung nandyan naman ang ibang materyales na bahagi ng kapaligiran natin?’

***

Gaganapin na ang pangalawang edisyon ng The TNF 100 hatid ng The North Face, isang trail run sa Sacobia Valley, Clark, Pampanga sa May 23 at 24. Unang ipinakilala noong nakaraang taon, ang karera ay may 10 km, 20 km at 100 km na kategorya. Ang Sacobia Valley handang maging susunod na puntahan ng mga turista sa Pilipinas, dala ng ganda ng mga puno’t halaman bunga ng pagputok ng Mount Pinatubo.

Para sa mga gustong lumahok, puntahan ang www.thenorthface100.ph o magrehistro sa R.O.X. sa Bonifacio High Street o Res-Toe-Run sa Robinson’s Galleria, Gateway Mall o Trinoma. Tanging 800 ang makakasali.

ANDAMAN

ANG SACOBIA VALLEY

BONIFACIO HIGH STREET

CAVITE

DAHIL

DEPARTMENT OF TOURISM

DITO

GATEWAY MALL

MARAGONDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with