^

PSN Palaro

Lipa, commissioner ng UAAP

-

MANILA, Philippines – Para sa pagbubukas ng 72nd season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), mula sa anunsyo ni League President, Anton Montinola, tata-yong kapalit ni Chito Narvasa bilang commissioner si Joe Lipa sa pinakaabangang liga na nakatakdang magpasiklab sa darating na July 11 sa Araneta Coliseum.

Ito ang pagbabalik ni Lipa sa liga mula ng tanggapin niya ito noong una may apat na taon na ang nakakalipas.

Dadlahin din ni Lipa ang mga reperi mula sa PBL, ang mga nag-officiate sa National Collegiate Athletic Association senior basketball noong nakaraang season.

Ngunit hindi pa alam kung kukunin ang serbisyo ng mga PBL referees o kukuha ng bago sa ibang asosasyon o bagong set ng mga reperi.

Samantala, inilatag naman ni UAAP tournament director Mark Molina ang pansamantalang iskedyul na laban kung saan makakaharap ng losing finalist La Salle ang University of the East sa alas-4 ng hapon kasunod ng UST kontra sa Adamson sa Araneta. 

Habang sa July 12, magtatagpo ang defending champion, Ateneo at FEU ng alas-4 ng hapon pagkatapos ng pasiklaban ng State U at NU sa inisyal na laro ng alas-2 ng hapon.

Ang tradisyunal na pa-rada ng 8 koponan ay mag-uumpisa dakong alas-12 ng tanghali na lalo pang pasisiyahin ng malalaking production numbers na inihanda ng mga eskuwelahan. (Sarie Nerine Francisco)


vuukle comment

ANTON MONTINOLA

ARANETA COLISEUM

CHITO NARVASA

JOE LIPA

LA SALLE

LEAGUE PRESIDENT

MARK MOLINA

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION

SARIE NERINE FRANCISCO

STATE U

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with