^

PSN Palaro

Kai Sotto balik Gilas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Kai Sotto balik Gilas
Si Kai Sotto sa isang laban ng Gilas.

MANILA, Philippines — Magbabalik si Kai Sotto suot ang Gilas Pilipinas jersey.

Mismong si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang nagkumpirma na maglalaro ang 7-foot-3 Pinoy cager sa second round ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Dumating si Sotto sa SMC Sports Facility noong Lunes ng gabi sa unang araw ng ensayo ng Gilas Pilipinas para sa qualifiers.

Masaya si Cone na muling makita ang 24-an­yos player dahil malaki ang maitutulong nito sa kan­yang team lalo pa’t importante ang mga la­rong haharapin ng Gilas sa qualifiers.

“He’s a game-changer for us,” ani Cone.

Hindi naglaro si Sotto sa third window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa New Zealand at Australia dahil sa mga inaasikaso nito sa Amerika.

Napaulat na target ni Sotto na maglaro sa NCAA Division 1 na magi­ging daan nito para makapasok sa NBA.

Nagpost si Sotto sa kanyang social media na hudyat ng pagbabalik nito.

“You know what time it is,” ani Sotto.

Muling babagsik ang Gilas   sa pagpasok ni Sotto na malaki ang maiaambag sa depensa at opensa ng tropa.

Makakasagupa ng Gilas  ang Jordan sa Agosto 28 kasunod ang Iran sa Agosto 30 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“It’s a do or die situation and we’re extremely happy that he responded to the call,” ani Cone.

Kaya naman pukpukan na sa ensayo ang Gilas para masigurong nasa perpektong kundis­yon ito bago ang qualifiers.

Inaabangan pa ng Gilas   ang pagdating ni natura­lized player Justin Brownlee na nasa Amerika para magpahinga.

Inaasahang darating ito anumang araw ngayong linggo para makasama ang Gilas sa ensayo.

Maliban sa FIBA World Cup Asian Qualifiers, p­inag­hahandaan din ng Gilas ang Asian Games na papalo naman sa susunod na buwan sa Nagoya, Japan.

Subalit ibang team ang ilalaban sa Asian Games na karamihan ay galing sa PBA.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with