^

PSN Palaro

Texters wagi

-

MANILA, Philippines – Matapos ang tatlong sunod na kamalasan, nakatikim na rin ng panalo ang Tropang Texters.

Mula sa game-high 34 puntos ni Panamanian import Gary Forbes, tinalo ng Talk ‘N Text ang dating mabangis na Coca-Cola, 103-100, sa classification round ng 2009 PBA Fiesta Conference kahapon sa Calape Sports Complex sa Bohol.

Galing sa 72-79 agwat sa third period, sumandig ang Tropang Texters kina Forbes, Ali Peek, Mac Cardona at Yancy De Ocampo para buhayin ang kanilang tsansa sa wildcard phase.

Samantala, tatargetin naman ng nagdedepensang Barangay Ginebra ang kanilang pang anim na sunod na panalo para palakasin ang kanilang tsansa sa isang outright semifinals seat.

Kung hindi man sila palarin sa semis, ipina-panalangin ni coach Jong Uichico na huwag mahulog sa No. 9 spot ang kanyang Gin Kings.

Sasagupain ng Gin Kings ang Giants ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Beermen at Whoppers sa alas-4 sa classification phase ng 2009 PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Sa inisyal na laro, ha-ngad naman ng Beermen na masikwat ang unang outright semis berth sa pakikipagkita sa Whoppers. 

Ang koponang uupo sa No. 3 at 4 slots ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage sa wildcard phase laban sa No. 9 at 10, ayon sa pagkakasunod, matapos ang classification round. (Russell Cadayona)


vuukle comment

ALI PEEK

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

CALAPE SPORTS COMPLEX

FIESTA CONFERENCE

GARY FORBES

GIN KINGS

JONG UICHICO

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with