Microsoft IE8 8 Mile run
MANILA, Philippines – Inihayag kamakailan ng Microsoft Philippines ang pagtatanghal ng Microsoft IE8 8 Mile Run sa Mayo 31 sa Fort Bonifacio Global City sa Taguig.
Ang karera na sinirtipikahan at binasbasan ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA), ang national governing body ng bansa para sa track and field, run at walk, ay may 8 Mile (12.8km), 4 Mile (6.4km), at 2 Mile (3.2km) races. Ito ay magsisimula at magtatapos sa 28th street na kalapit ng Bonifacio High Street sa Global City.
Tinatanggap na ang pagpapalista sa mga sumusunod na registration center: Mizuno Branches sa Metro Manila (maliban sa Festival Mall); Microsoft Office, 16/F 6750 Ayala Office Tower, Ayala Ave., Makati City, (1p.m.-5p.m.); Pocket Rocket Inc., 2/F Automax Bldg., Bautista St. , Bgy. Palanan, Makati City, (9a.m-5p.m.); RACE at G/F Vasquez Madrigal Building, 51 Annapolis St., Greenhills, San Juan, (9a.m.-5p.m.), at Bike King, B1 Bonifacio High Street, Bonifacio Global City, (12nn - 8:00 p.m.). Sa Linggo naman ang RACE registration center ay bukas mula 9a.m. - 12n.n. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa IE8 Hotline sa 385-7822. Magtatapos ang rehistrasyon sa May 28.
May registration fee na P300 sa lahat ng events. Ang kids category, 12 yrs. Pababa sa 2 mile ay P200. Ang kikitain sa naturang karera ay mapupunta sa United Nations Children’s Fund (UNICEF), sa kanilang suporta sa Child Protection Progam.
- Latest
- Trending