^

PSN Palaro

Pacquiao dinumog!

- Abac Cordero -

LAS VEGAS -- Kailangan nang maglagay ng Secret Service para sa kanya, dahil kung hindi wala nang magarbong pagdating sa hotel lobbies ang sasalubong kay Manny Pacquiao.

Sinabi ni Bob Arum para sa kaligtasan, kailangang sumilip na lamang ang sikat na sikat na Pinoy boxer sa bintana ng kanyang hotel room para kawayan ang mga fans at media sa mga susunod na laban.

“This is insane but it’s not surprising. He could have been trampled if we stayed down here,” ani Arum matapos masiguro na buo pa ang katawan ni Pacquiao nang umakyat ito sa kanyang 60th floor suite matapos dumugin ng mga tao.

Binantayan din ng Team Pacquiao na binubuo ng kanyang inang si Dionisia, trainers Freddie Roach at Michael Moorer, advisers Mike Koncz at Wakee Salud si Pacquiao sa kanyang pagbaba sa bus.

Ngunit naging sarado at mapanganib na nang literal na dinumog si Pacquiao.

Wika ni Lee Samuels ng Top Rank ngayon lang siya nakakita ng ganitong klaseng pagdumog at kahit sa mga laban ni Oscar Dela Hoya ay hindi pa siya nakakakita ng ganitong pagdumog ng fans sa isang boksingero.

Parang isang human magnet si Pacquiao habang nasisiksik ito sa loob ng main lobby ng Mandalay Bay. Sa mga nakaraan, tumitigil pa ito para sa maikling panayam ngunit ngayon hindi na pumayag si Arum.

“It would have been a dangerous situation. When I saw what was developing I got him right up to his suite. I think this will be Manny’s last arrival. Next time we’ll put him up in a window and he waves at them,” wika ni Arum.

Wala naman sinisisi ang maalamat na promoter. At nauunawaan niya na sikat na sikat si Pacquiao at lahat ay nais makita o mahawakan man lang ito.

“They told me that in the Time Magazine poll, in the 100 most influential people in the world, Manny Pacquiao has now officially outpolled, and got more votes than President Obama. Hey! Here’s the new President of the Philippines,” ani pa ni Arum.

At nang lumiwanag na ang paligid, ang kauna-unahang ginawa ni Arum ay tawagan ang MGM Grand para naman sa sariling arrival ceremony ni Ricky Hatton.

“I alerted them of the situation and I told them not to get out of the car,” pasabi ni Arum, na sinunod naman ng MGM kung saan naglagay sila ng velvet ropes sa main entrance.

“This is as close to being dangerous. Luckily we have here Rob Peters (Team Pacquiao head of security) and we got him out,” pagbabalik tanaw ni Arum.

“And they wanted to make interviews. If we stopped for interviews he would have been killed,” dagdag ni Arum na may exageration na.

ARUM

BOB ARUM

FREDDIE ROACH

LEE SAMUELS

MANDALAY BAY

MICHAEL MOORER

MIKE KONCZ

PACQUIAO

TEAM PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with