Dela Hoya may ihahayag
MANILA, Philippines - Matapos ang halos apat na buwan, handa nang ihayag ni world six-division champion Oscar Dela Hoya ang kanyang desisyon hinggil sa kanyang makulay na professional boxing career.
Ito ang sinabi kahapon ni Richard Schaefer, Chief Executive Officer (CEO) ng Golden Boy Promotions ni Dela Hoya sa panayam ng ESPN.com kung saan nakatakdang sabihin ng dating 10-time titleholder sa Abril 14 kung muli siyang aakyat sa boxing ring o tuluyan nang isasabit ang kanyang boxing gloves.
“He’s going to announce his decision as it relates to his career,” wika ni Schaefer sa itinakdang news conference sa Star Plaza sa Los Angeles, California.(Russell Cadayona)
- Latest
- Trending


















