Smart Gilas Team lalaro sa PBA Fiesta Conference

Tatanggapin ng Philippine Basketball Association ang pagnanais ng RP Developmental Pool na maglaro ng exhibition games kontra sa 10 miyembro ng pro league sa ginaganap na PBA Philippine Cup.

Pumayag ang league board of governors sa isinasagawang planning session sa Cebu, na palawigin ang pagtulong sa developmental pool na naghahangad ng ticket para sa 2012 London Olympics sa pamamagitan ng partisipasyon ng Smart Gilas team bilang guest team at posibilidad na makuha ang conference crown.

Ang Smart Gilas team, na pinamamahalaan ni Serbian coach Rajko Toroman, ay kasaluku-yang nagsasanay sa Serbia. Tutungo din sila sa Amerika bago bumalik sa bansa upang makasama uli ang kani-kanilang school teams.

“Since RP Smart Gilas is a developmental team, the board decided we can maximize the PBA’s assistance by playing the team as much as we can,” wika ni PBA board chairman Joaqui Trillo.

“This way, they will not be limited by our format, and in fact, they can continue to play our teams even during the playoffs depending on their needs. They will also have more flexibility regarding their training abroad,” dagdag ni Trillo.

Ang Smart Gilas team ay nakalaro na kontra sa mga PBA teams sa Philippine Cup. Nakalaban ng Nationals ang Burger King at Rain or Shine sa dalawang exhibition games bilang curtain-raisers sa Alaska-Talk N Text finale.

“Maybe we can follow the NCC model where the team played exhibition games with the PBA ballclubs at first, before eventually allowed to play as a guest team in a regular PBA conference after seeing action in a number of international competitions, wika ni PBA commissioner Sonny Barrios.

Ang Northern Consolidated team na iginiya ni coach Ron Jacobs ay naglaro ng exhibition games kontra sa PBA teams noong kaagahan ng 80s. Matapos ang matagumpay na kampanya sa Asian competitions, tinanggap ito sa PBA bilang guest team at napagwagian ang 1985 Reinforced Conference title.

Nagpahayag ng pasasalamat si Talk N Text board representative Ricky Vargas, na siya ring vice-chairman ng Samahang Basketbol sa kapwa niya PBA governors sa suporta nila.

“This help will surely go a long way in developing the team and getting the players ready for the tough international tournaments, and we in the SBP are truly grateful,” ani Vargas.

Umaasam ng upuan sa 2012 Olympics ang Smart Gilas team sa paglaro nila sa 2011 FIBA-Asia championship.

Samantala, humakbang na papalapit sa kanilang maigting na pagsasanay ang binuo ng PBA na Powerade RP team, na tutungo naman sa 2009 Asian Championship sa China sa August, sa kanilang goodwill match kontra Australia sa Biyernes at Linggo sa Araneta Coliseum. Umaasa si Coach Yeng Guiao sa magandang resulta ng Nationals kontra sa Aussies.

 “We will know how we fare against size. That has always been a problem for the Philippine team. Now we’ll find out if this one is good enough to play a big team,” ani Guiao na ang team ay lalaban sa malalaking Aussie na ang taas ay 6’6 pataas.

Susunod na pagsubok sa Powerade RP team ay ang kontra sa South at North All-Star team sa PBA All-Star week.


Show comments