MANILA, Philippines - Winakasan ng Singapore ang tatlong taong paghahari ng Manila sa Southeast Asia Youth Baseball and Softball Tournament (SEAYBST) nang manguna sa tatlo ng limang dibisyon sa ikaapat na edisyon ng summer event na nagtapos sa Ateneo grounds sa Quezon City, kahapon.
Winalis ng mga bisita ang tatlong boys classes at masungkit ang pinakaasam ng SEAYBST Country Trophy sa clamatic, 9-8 tagumpay kontra sa host sa pangunahing event--ang Seniors Boys finals-- na nilaro sa ilalim ng matinding sikat ng araw sa Mister Donut main field.
Ang labanan para sa overall championships ay nagsiklab hanggang sa final match nang maghari naman ang Manila sa Major Girls Softball at Senior Girls Softball bago tumabla ang Singapore sa pamamagitan ng tagumpay sa Minor Boys at Major Boys Baseball.
Lumasap ang Manila nang nakapanlulumong 4-5 kabiguan sa Minor Boys.
Sinundan pa ito ng 12-4 pananalasa sa host team sa Major Boys na tinapos ng paninilat sa Senior Boys.
Binuksan ng Singaporeans ang laban sa 7-0 abante sa ikatlong inning na naging pruweba upang magising ang Manilans.
Naghabol pa ang Manilans sa 8-9 matapos ang three-run homer ni Chip Esguerra.
Ngunit bumigay din nang makita ang pop fly ni Paolo Mallari.
Napagwagian ng host ang Senior Girls Softball nang igupo ng Manila 2 ang Manila 1, 9-7.
Naitala ng Manila ang two-game sweep sa girls side nang ipakita ng Manila Majors ang kanilang pagiging potential World Series bet, sa pamamagitan ng 18-4 panalo laban sa Singapore.
Sinimulan nila ang laro ng may 7-run sa unang frame na tinampukan ng two-run doubles ni Danielle Cruz at Ines Diaz.
Tinanghal na best performer ng team si Cruz sa kanyang kinanang apat na RBIs sa pinaka-lopsided na laban sa araw na iyon.
Para sa nagwaging Manila team sa Senior Softball, pinakamaningning na bituin si Czar Buenviaje na may apat na hits at tatlong RBIs.