^

PSN Palaro

Billiards Idol baton idedepensa ni De Ocampo

-

MANILA, Philippines - Idedepensa ni Jomar de Ocampo ang kanyang baton laban sa malaking listahan ng contenders sa Search for the New Billiards Idol Season 2 sa pagpapatuloy ng ikatlong yugto sa Superman Sports Bar sa Libis, Quezon City.

Ang 21 anyos na mula sa Alaminos, Pangasinan ay naging ikalawang winner ng buwanang grassroots tournament na ito na inorganisa ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines matapos daigin ang ilan pang players kabilang na ang Leg 1 winner na si Benjie Guevarra sa finals.

“Mahirap manalo ng dalawang sunod dito sa ‘idol’ dahil halos lahat ng kasali ay may kapasidad. Pero gagawin ko ang aking buong makakaya para maidepensa itong title ko,” ani De Ocampo, na nagwagi din sa ikatlong yugto ng serye na ito na hatid ng Ropa Commercials.

Ilang dosenang aspiring cue artists ang lalahok sa event na ito na umaasang makakapasok sa elite circle ng pangunahing pool masters na pinamumunuan ng mismong icon na si Efren ‘Bata’ Reyes.

May mga regular na babaeng partisipante na rin ang Billiards Idol na sina Shiela Sieja, Tina Wells at Chill Marx, na naghahanda para sa nalalapit na World Women’s Championship na gaganapin sa Manila sa June.

May basbas ng Games and Amusements Board (GAB), ang Search for the New Billiards Idol ay bukas sa lahat ng cue artists maliban dun sa nasa Class O, ang tinatawag na all-star level.

Ang entry fee ay P200 at para sa karagdagang detalye tumawag kat Valle sa 0916-958-9897.

vuukle comment

BENJIE GUEVARRA

BILLIARDS IDOL

BILLIARDS MANAGERS AND PLAYERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CHILL MARX

CLASS O

DE OCAMPO

GAMES AND AMUSEMENTS BOARD

NEW BILLIARDS IDOL

NEW BILLIARDS IDOL SEASON

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with