^

PSN Palaro

Burger King binitawan na ni Romero

- Joey Villar, Nelson Beltran -

MANILA, Philippines - Muling magrereorganized ang Burger King Titans, dalawang buwan lamang makaraang mabuo ito, nang mabigo ang planong pag-iisa ng Metro Pacific-Harbour Centre, at iiwan ni Harbour Centre owner Mikee Romero ang pagpapatakbo ng BK team.

Nagpadala ng pahayag si Romero kahapon at sinabing iiwan na niya ang kanyang papel bilang chief executive ng BK team na pumalit sa Air21 Express.

Ang BK shareholders, kabilang na ang mga pangunahing boss ng PLDT at Lina Group ay nagpulong kahapon pagkatapos ng laban ng Burger King at Talk N Text upang talakayin ang reorganization. At ang unang pinag-iisipan ay kung sino ang magpapatakbo ng koponan.

At sa pagpasok sa BK, dinala ni Romero ang kanyang mga bataan sa Harbour Centre na sina team manager Erick Arejola, coaches Junel Baculi at Jorge Gallent, at maging ilan sa support staff. Si Romero rin ang nagselyo ng paggigiya ni Yeng Guiao sa Titans.

 At sa pagpasok ng bagong mamamahala magkakaroon ng revamp at malamang na magkaroon ng bagong assistants si Guiao.

“In the meantime, MVP (Manny V. Pangilinan) and Bert Lina are likely to call the shots,” anang reliable source.

Pinayagan si Romero na pamahalaan ang team sa pag-aakalang mag-iisa ang Metro Pacific at Harbour Centre at doon ibubuhos ni Romero ang ilang investments sa Burger King.

Bagamat hindi pa naman pormal ang pagkakabigo sa merging, malamang na hindi na rin matuloy ang negosyo sa hinaharap.

“I wish to thank Bert Lina and MVP for allowing me to run the Burger King Titans from January to March of this year. It was a dream come true for me to finally run a PBA team. Unfortunately, the dream must take a back seat as my group and the BK company did not come to terms,” ani Romero.

“I salute every single individual from the ball boys to the BK overachieving players and to the Titans coaching staff for giving me an opportunity to work with them and having an open mind in accepting my own basketball philosophy,” dagdag ni Romero.

At sa pag-iwan niya sa BK, muling itutuon ni Romero ang kanyang atensiyon sa amateur basketball at umaasam sa pagbabalik sa pro league balang araw.

“I assured everyone that one of this days, I would rejoin the PBA and again fight the battles I truly enjoy. My dream will linger on,” ani Romero.

BERT LINA

BURGER KING

BURGER KING TITANS

ERICK AREJOLA

HARBOUR CENTRE

JORGE GALLENT

JUNEL BACULI

LINA GROUP

MANNY V

ROMERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with