Nagkakagulong NSAs aayusin ng POC
Isang reconciliation meeting ang itinakda ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Huwebes sa hangaring resolbahin ang mga nagkakagulong sports associations ng cycling, badminton at billiards and snooker.
Ang naturang pulong, ayon kay POC spokesman Joey Romasanta, ay pangungunahan nina Frank Elizalde, ang kinatawan ng International Olympic Committee (IOC) sa bansa, at Atty. Romeo Malinao.
“The POC is actively doing something about these problems because it is crucial that all these be resolved so we can all concentrate on the coming Southeast Asian Games,” wika ni Romasanta.
Hangad ng POC, sa ilalim ng pangulo nitong si Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr., na resolbahan ang nasabing mga internal disputes sa Intergrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling), Philippine Badminton Association (PBA) at Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP) bago ang 25th SEA Games sa Laos sa Disyembre.
Ang isinagawang eleksyon ng magkabilang grupo sa cycling, badminton at billiards and snooker ang nagpagulo sa estado ng naturang tatlong sports associations sa POC.
Kinukuwestiyon ng isang grupo ang pagkakahalal kay dating national rider Rolando Hiso bilang bagong pangulo ng PhilCycling, dating nasa ilalim ni Bert Lina, kagaya ng kaso ni Joey San Andres sa badminton.
“We cannot go on like this, fighting before the eyes of the Filipino athletes and sports fans. We must act like sportsmen by trying to solve our differences in a matured process,” ani Hiso. (RCadayona)
- Latest
- Trending