Nepomuceno sali sa 2009 Tenpin Masters
England - Makikipaglaban si Paeng Nepomuceno laban sa walong pinakamahuhusay na bowlers sa mundo sa 2009 Tenpin Masters.
Ang kompetisyon ay irorolyo sa Metrodome sa Barnsley, England ngunit inaasahan ang mahigpitang bakbakan sa pagitan ng mga bowlers.
Tanging walong players lamang ang maglalaban-laban, una sa dalawang grupo ng tig-apat na ang top two players ang aabante sa semifinals bago magharap ang dalawang magwawagi sa finals.
Ang mga maglalaro ay kinabibilangan ng apat na dating kampeon na sina Caminsky, Jason Belmonte (Australia, 2007 winner), Chris Barnes (USA, 2006 winner) at Paeng Nepomuceno (Philippines, 1999 winner).
“With only eight players in the 2009 World Tenpin Masters, the standard will obviously be incredibly high,” ayon kay tournament director Luke Riches.
“That should lead to some fantastic bowling and competitive matches which will be great for the packed crowd and great for television.”
Tumanggap kamakailan ng prestihiyosong 2009 World Bowling Writers Mort Luby Distinguished service awards si Nepomuceno dahil sa kanyang panghabambuhay na kontribusyon sa sports.
- Latest
- Trending