Shane Mosley. Antonio Margarito. Floyd Mayweather Jr.
“They all have chances of facing me. Anything is possible,” patungkol ni Manny Pacquiao sa tatlong great boxers na maaaring makalaban ng Pinoy pound-for-pound.
Nakatakdang harapin ni Pacquiao si Ricky Hatton sa May 2 sa Las Vegas. Hindi niya minamaliit ang Bristish lightwelterweight champion, pero hundi niya maiwasang sagutin ang mga katanungan kung sino ang susunod niyang makakalaban.
“Hatton is a big challenge for me because he’s also a good boxer,” wika ni Pacquiao sa mga sportswriters noong Biyernes ng gabi sa Manila’s Harbour View.
“And I don’t consider Hatton as a stepping stone to anyone. But he’s a big challenge for me. We fight the same way that’s why I have to be ready. I have to train as hard or even harder than for Oscar dela Hoya,” aniya.
Nakatakdang umalis si Pacquiao patungong Los Angeles sa Pebrero 24, at susunod sa England ng ilang araw para sa press tour nila ni Hatton. Nakatakda din niyang bisitahin ang ilang pangunahing lungsod ng Amerika.
Tatanggapin ni Pacquiao ang pinakaprestihiyosong parangal na igagawad ng Philippine Sportswriters Associaition sa Pebrero 20 at pagkaraan ng dalawang araw ay pabibinyagan naman niya ang kanyang ikalawang anak na babaeng si Queen Elizabeth.
Ang kanyang training sa Wild Card Gym sa ilalim ni American trainer Freddie Roach ay magsisimula sa Marso 1.