Albania susuntok sa gold

NINGBO, CHINA --Inilista ni light bantamweight Annie Albania ang kanyang ikatlong sunod na panalo upang makasiguro ng finals berth sa 2008 AIBA Women’s World Boxing Championships na ginaganap sa Ningbo Youngor Gymnasium dito.

Pinabagsak ng 26-gulang na reigning Southeast Asian Games titlist si world champion Laishram Sarita ng India, 8-3 para makasiguro ng silver medal para sa RP-Smart PLDT squad.

Si Albania na lamang ang natitirang pag-asa ng bansa para sa gold medal matapos makalasap ng kabiguan sina Josie Gabuco at Analisa Cruz.

Sinibak si Gabuco ni European champion Steluta Duta ng Romania, 5-7 sa pinweight division habang yumukod naman si Cruz kay Kim Hyang Ok ng North Korea, 3-7 sa flyweight class.

Gayunpaman ay naka-pag-uwi ng bronze medal sina Gabuco at Cruz.

Show comments