^

PSN Palaro

Pacman, gagastos ng todo

SPORTS - Dina Marie Villena -

Ilang linggo na lang at tutunog na ang bell sa pinanabikang ‘Dream Match’ sa pagitan nina Manny Pacquiao at Oscar Dela Hoya.

Markahan na ninyo ang Dec. 7 sa inyong kalendaryo at literal na titigil ang pag-inog ng mundo sa araw na ito.

Haaay lahat ng telebisyon at radyo ay bukas sa araw na yun at tanging ang laban lamang ni Pacquiao ang panonoorin o pakikinggan.

Marami talaga ang mag-aabang dahil kakaibang laban ito ni Pacquiao at gayundin ni Dela Hoya.

Parehong kumpiyansa ang dalawang boksingero na mananalo. Eh sino na kaya ang matatalo?

Sino pa kundi yung mga pupusta. Ha ha ha!

* * *

Speaking of Manny, grabe ha, ang dami daw Philippine media na inimbitahan ng mama.

Bukod sa Manila media men ay marami din daw mga taga-Cebu na sportswriters na isinasama si Pacman.

Siyempre hindi rin mawawala sa listahan ng mga writers ang ilang showbiz writers na kaibigan ni Pacman.

Bongga!

Hindi nga lang ako sure kung si Pacman ang gagastos sa mga tiket ng mga inimbitang writers.

* * *

Malaki rin daw ang biniling tickets ni Pacquiao para mapanood siya ng kanyang mga friends sa Las Vegas.

Balita ko nga umabot sa P27.5 million ang halaga ng tiket.

Ganun kamahal ni Pacquiao ang kanyang mga friends na ibibili niya ng tiket para lamang panoorin siya.

Ha ha ha!

Parang may ibang ibig ipahiwatig si Pacquiao ah!

Di ba’t balitang-balita na dalawa hanggang tatlong laban na lang ang paghahandaan ni Pacquiao pagkatapos ng kanyang ‘Dream Match’ at magreretiro na ito para naman pasukin ang pulitika?

Malamang yun ang pinaghahandaan niya kaya marami siyang ililibre.

He he he!

* * *

At isa pang panigurado, maraming pulitiko ang tutungo na naman ng Las Vegas para manood ng laban ni Pacquiao. At pag nanalo si Pacman tiyak na marami na namang makiki-sawsaw na pulitiko.

He he he may bago ba?

* * *

Happy birthday kay Boss Miguel Belmonte sa Nov. 27, gayundin kina Jo Lising-Abelgas (Nov. 27) at Ms. Jay Sarmienta (Nov. 27).

vuukle comment

BOSS MIGUEL BELMONTE

DELA HOYA

DREAM MATCH

JO LISING-ABELGAS

LAS VEGAS

PACMAN

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with