^

PSN Palaro

Beermen sumosyo sa liderato

-

Humataw ang 6-foot-8 na si Mick Pennisi ng 18-puntos kabilang ang 5-of-8 triple shooting upang pamunuan ang San Miguel Beer sa 89-86 tagumpay kontra sa Coca-Cola upang makisalo sa liderato sa kasalukuyang 2008 KFC PBA Philippine Cup na nagpatuloy kahapon sa Cuneta Astrodome.

“In the last couple of games we’ve been winning but I dont know where I’m getting my shots,” ani Pennisi. “But my coach (Tanquingcen) said that get my confidence back and if I’m open take the shot.”

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Beermen na nagbigay sa kanila ng karapatang saluhan ang Alaska sa pamumuno bunga ng kanilang magkatulad na 7-2 kartada habang nalasap naman ng Coke ang kanilang ikaanim na kabiguan sa siyam na laro na nagbaon sa kanila sa ilalim ng team standings.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang nagllaban ang Barangay Ginebra at ang Talk N Text para basagin ang kanilang pagtatabla sa 3-5 kartada.

Binura ng Tigers ang 10-point advantage ng Beermen sa pamamagitan ng10-2 run, siyam nito ay galing kay Alex Cabagnot upang idikit ang iskor sa 86-88, may 8.3 segundo ang nalalabing oras sa laro.

Nagkaroon ng three-point advantage ang SMBeer sa split ni Pennisi, may 7.1 tikada ang natira para sa Coke ngunit nasayang ito nang pumalso ang tres na tangka ni Cabagnot.(MBalbuena)

vuukle comment

ALEX CABAGNOT

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

BINURA

CUNETA ASTRODOME

MICK PENNISI

PENNISI

PHILIPPINE CUP

SAN MIGUEL BEER

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with