^

PSN Palaro

Batang Pier nagparamdam na

- Mae Balbuena -

Binuksan ng Harbour Centre ang kanilang kam­panya para sa ikaanim na sunod na titulo matapos ang impresibong 83-66 pa­nanalasa sa Pharex sa pagbubukas ng 2009 PBL PG Flex Linoluem Cup sa Ynares Sports Center ka­hapon.

Kahit wala ang kani­lang mga marquee pla­yers na sina three-time MVP winner Jason Cas­tro, Sol Mercado, Ty Tang at Beau Belga na umak­yat na sa pro-league, nag­pakita pa rin ng lakas ang mga Batang Pier na hu­mataw sa ikatlong quarter tungo sa kanilang buwe­namanong panalo.

“We got our defense in the middle of the third quar­ter, so that was the sto­ry of the game. I got the points we needed from al­most everybody,” paha­yag ni Harbour Centre coach George Gallent. “My rookies played just like seasoned players.”

Nanguna para sa Ba­tang Pier ang nagbabalik na si Reed Juntilla na tumapos ng 21-puntos na sinuportahan ng dala­wang reinforcements mu­la sa Far Eastern Univer­sity na sina Niel Cervantes at Mar Barroca na may 14 at 11 puntos ayon sa pag­kakasunod.

Nasayang lamang ang 21-point performance ng No. 1 pick na si Chris Ross bunga ng pagkatalo ng Generix.

Sa isang oras na ope­ning ceremonies, binigyan ng ‘Gawad Katibayan Award si former league MVP Romel Adducul na kasalukuyang nakikipag­la­ban sa nasal cancer at ang bumberong si Major Naz Cablayan ng “Gawad ng Paglilingkod”.

BATANG PIER

BEAU BELGA

CHRIS ROSS

EASTERN UNIVER

FLEX LINOLUEM CUP

GAWAD KATIBAYAN AWARD

GEORGE GALLENT

HARBOUR CENTRE

JASON CAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with