Vargas bagong prexy ng ABAP
Nagwakas na ang halos 30 taon na panga-ngasiwa ng mga Lopez sa Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP).
Tuluyan nang nailuklok si Ricky Vargas, ang senior vice-president for human resources ng PLDT, bilang bagong pangulo ng ABAP kapalit ni Manny T. Lopez sa idinaos na national election kahapon sa Tiara Oriental Hotel sa Makati City.
Sa pagkakalagay kay Vargas, kinatawan ng Talk ‘N Text sa PBA Board of Governors, bumaba naman si Lopez sa pagiging vice-president, habang si Smart-Sports head Patrick Gregorio ang tinanghal na secretary-general.
“I am very humbled by being asked to serve the organization. And while my term starts on January of 2009, we will start working now,” ani Vargas sa kanyang pagiging bagong ABAP president. “Nagpapasalamat rin ako kay Manny Lopez. He has a trait of a true leader, sacrificing and preparing for change. He has done very well.”
Si Manny V. Pangilinan, may-ari ng PLDT ang chairman.
Nakuha ni Lopez ang naturang ABAP top post noong 1995 nang bumaba sa puwesto ang kanyang amang si dating Manila Mayor at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Mel Lopez. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending