^

PSN Palaro

Lahat ng coach na humawak ng National team ay karapat-dapat

-

Para kay Alaska coach Tim Cone ang lahat ay natututo sa karanasan at kabiguan at naniniwala siyang ang lahat ng nagcoach sa national team ay ang nararapat na humawak ng   RP team na ipapadala sa FIBA-Asia championship sa susunod na taon.

Hindi tinutukoy ni Cone ang kanyang sarili kundi si Chot Reyes, coach ng RP team na nagtapos bilang ninth sa FIBA Asia tourney sa Tokushima, Japan noong nakaraang taon.

Kinokonsidera ni PBA commissioner Sonny Barrios ang mga coaches na nagmando na ng national team.

“I think everyone learns from experience and failure so any of the three men (himself, Jong Uichico and Reyes) would be a good choice. I’ve been vocal in my support to give the incumbent (Reyes) the nod. I stand by that,” ani Cone na naghatid sa RP team sa third place sa 1998 Asian Games sa Bangkok.

Handa namang tanggapin ni Reyes ang trabaho kung muli itong ipagkakaloob sa kanya.

Sinabi naman ni Uichico na hindi pa sumasagi sa isip niya ang muling magcoach ng national team.

“I think about it and make the decision when the time comes,” sabi ni Uichico na muntik nang makarating sa finals ng Busan Asian Games.

Maaalalang nag-alangan si Uichico na tanggapin ang pagko-coach ng national team nang ialok ito sa kanya matapos magkasakit si coach Ron Jacobs noong 2002 at pumayag lamang ito dahil sa pagpupumilit ng San Miguel management.

Hanggang ngayon, sinasabi ni Uichico na iba ang international play sa PBA. “It needs different approach,” ani Uichico.

Ang iba pang PBA coaches na nakapag-coach ng national team ay sina Yeng Guiao at Binky Favis. Si Guiao ay umasiste kay Derrick Pumaren sa SEA Games noong 1989 at si Favis ay ang chief scout ng RP teams sa 2002 Asian Games at 2007 FIBA-Asia championship.

Si Guiao ang napupusuan ng PBA board ngunit si Barrios ang inatasang pumili ng RP Team coach.

Pinag-aaralan itong mabuti ni Barrios ngayong malaya na siyang makapili matapos maiiwas sa gulo ang PBA dahil da kasalukuyang gulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Manny Pangilinan at ng grupo ni former Rep. Prospero Pichay at inaasahang ihahayag nito ang kanyang desisyon sa mga susunod na araw. (MBalbuena)

ASIAN GAMES

BINKY FAVIS

BUSAN ASIAN GAMES

CHOT REYES

DERRICK PUMAREN

JONG UICHICO AND REYES

MANNY PANGILINAN

SI GUIAO

TEAM

UICHICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with