^

PSN Palaro

Bago mag-eleksyon sa POC marami pang maaaring mangyari

-

Sa kabila ng paghahayag nina incumbent president Jose “Peping” Cojuangco.Jr. at shooting association chief Art Macapagal para sa kanilang presidential bid sa eleksyon ng Philippine Olympic Commiittee (POC), marami pang maaaring mangyari.

Isa na rito, ayon kay Cojuangco, ay ang pagkakaroon ng ‘voting by acclamation’ na nangyari noong 2004.

“Who knows baka pagdating ng oras ng eleksyon, magkaayusan na lahat, wala na ring eleksyon,” wika kahapon ni Cojuangco. “A lot of things can still happen, kaya I never close the door on that na palagi kong tinitingnan on the positive side and never on the negative side.”

 Sa kanyang ipinatawag na hapunan sa hanay ng mga National Sports Association (NSAs) noong nakaraang linggo, pormal na inihayag ni Cojuangco ang kanyang kandidatura para sa ikalawang sunod na termino bilang POC head.

Matapos nito, sumagot naman ang two-time Olympian na si Macapagal, half-brother ni Pangulong Gloria Arroyo, para hamunin ang nakababatang kapatid ni dating  Pangulong Corazon C. Aquino na si Cojuangco.

 Nakatakda ang POC election sa Nobyembre 26.

 “As long as we do not hurt each other to the point na pagkatapos ng eleksyon ay magkakaroon ng dibisyon because whatever it is, it’s important that we keep the unity within the sports community,” wika ni Cojuangco, dating kinatawan ng Tarlac sa Kongreso.

 Kung babasahin ang pahayag ni Cojuangco, muli niyang makukuha ang POC top post nang walang kalaban kasabay ng pagbibigay kay Macapagal ng chairmanship. (Russell Cadayona)

AQUINO

ART MACAPAGAL

COJUANGCO

MACAPAGAL

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

PANGULONG CORAZON C

PANGULONG GLORIA ARROYO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMIITTEE

RUSSELL CADAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with