^

PSN Palaro

Mabilis magbawas ng timbang si Pacman

-

Matapos labanan si Mexican-American David Diaz para sa world light-weight championship crown noong Hunyo 28, umakyat na sa 154 lbs ang timbang ni Filipino world four-division champion Manny Pacquiao.

 Ayon sa 29-anyos na si Pacquiao, kaya niyang sunugin ang naturang bigat sa oras na simulan niya ang kanilang training session ni Freddie Roach sa Wild Card Boxing Gym.

 “Wala akong control sa pagkain ko dahil alam ko namang masusunog ko lahat ito sa training sa Wild Card Gym ni coach Freddie Roach,” ani Pacquiao. “Sa ngayon, nasa 154 pounds ang timbang ko at wala pong problema sa pagkuha ng 147 lbs limit na siyang paglalabanan namin.”

 Nakatakdang makipagtagpo si Pacquiao sa 35-anyos na si Oscar Dela Hoya para sa kanilang non-title welterweight fight sa Disyembre 6 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada. 

Buhat sa pag-agaw sa suot na World Boxing Council (WBC) lightweight belt ni Diaz via ninth-round TKO sa naturang 135-pound division, aakyat si Pacquiao sa 147-pound class sa welterweight.

 Pumayag si Dela Hoya na magbabayad siya ng $3 milyon sa bawat librang isosobra niya sa 147-pound division, ayon kay Pacquiao.  

   “Alam ko pong kaya ni Ginoong Dela Hoya na makuha ang timbang na 147 pounds dahil hindi naman siya naging pabaya sa kanyang kundisyon sa pangangatawan. Kung hindi, siyempre, magmumulta siya ng $3 million o higit pa, depende sa timbang na kanyang dadalhin sa araw ng laban,” ani Pacquiao.

 Nakatakdang magtungo si Pacquiao sa Wild Card Gym ni Roach sa Hollywood, California sa Setyembre 14. (Russell Cadayona)

AMERICAN DAVID DIAZ

DELA HOYA

FREDDIE ROACH

GINOONG DELA HOYA

LAS VEGAS

NAKATAKDANG

OSCAR DELA HOYA

PACQUIAO

WILD CARD GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with