Books ang negosyo ni Jun Limpot
Dismayado ang anak kong bunso na si Lorraine sa results ng UAAP cheer-dance competition noong Linggo.
Tatlong taon nang nanonood ng cheer-dance contest ang ang anak ko since high school pa at ngayon nga na college na siya sa St. Paul-Manila.
So walang koneksiyon sa anumang school . Mahilig lang talaga siyang manood ng cheer-dance.
Kaya masasabing dismayado siya dahil hindi niya inii-expect na mananalo ang UP Pep Squad dahil ayon sa kanyang pananaw mas maganda ang mga routines ng UST Salinggawi Dance Troupe ngayon. Noong nakaraang taon deserving ang UP dahil maganda naman talaga at may ilang routines ang UST na hindi maganda ang pagkaka-execute.
Isa sa hinahangaan niyang grupo ay ang Adamson Cheerleaders.
Ika ng anak ko, tatlong taon na maganda ang cheer-dance ng Adamson pero hindi pa rin pumapasa sa taste ng mga judges.
Sabi ko nga sa anak ko talagang ganun. Iba ang taste mo sa taste ng mga judges.
At ayon pa sa anak ko, malaking improvement ay ang National University ngayon. Maganda na ang kanilang performance at talagang pinaghandaan na.
Kunsabagay, ika nga ng officemate ko magaganda ang executions ng cheer-dance ngayon ng lahat ng UAAP schools, especifically ang UST, Adamson at FEU din daw. At hindi graduate ng kahit anumang UAAP school ang officemate ko.
Yun lang ang kanilang observation at sariling opinyon.
O well, hindi ko napanood kaya wala akong masasabi.
* * *
And speaking of UAAP cheer-dance, grabe ha, umaapaw ang tao sa Araneta Coliseum. Akala ng iba Ateneo-DLSU games lang aapaw ang Big dome, di nila alam pati pala sa cheer-dance ay hindi na makakalaglag ng karayom sa dami ng nanood.
At talagang taun-taon ay ganito ang senaryo. Kaya lang papaano kaya nakakakuha ng tickets ang mga scalpers?
* * *
Kakaiba ang business na pinasok ng kumpareng Jun Limpot ko. Ang kanyang business ay books . May mga stalls siya sa SM Southmall, SM Sucat, SM-Dasma at maging sa Robinson’s.
Actually gusto nga niyang buksan ang isang warehouse ng mga books sa kanilang place sa Las Piñas para hindi maging limited ang kanyang mga customers. Kaya kayong mga book lovers, hintayin nyo at babalitaan ko kayo kung saan at kung kailan bubuksan ito dahil ika nga ni Papa Jun, maliligo talaga kayo sa mga books, mapa-hardbound man o paperbound, pocket books at mga references.
Mga imported ito at mura lang ang mga presyo.
If ever na mapadaan kayo sa ilang malls , hanapin nyo lang ang “Pick-A-Book” at yun ang name ng kanyang bookstore.
- Latest
- Trending






















