^

PSN Palaro

Atleta 'di dapat tumigil sa pagsasanay

-

Masama man ang naging kampanya sa nakaraang 29th Olympic Games sa Beijing, China, hindi pa rin ito magiging dahilan upang ihinto ng 15 national athletes ang kanilang pagsa-sanay at paghahanda para sa mga susunod na kompetisyon.

“Siyempre, hindi naman hihinto ang training namin after the Beijing Olympic Games,” sabi ni taekwondo jin Marie Antonette Rivero, nabigong makapag-uwi ng medalya sa kanyang ikalawang Olympic Games. “We will still continue training and preparing for the upcoming competitions.”

Hangad naman ni national swimmer Ryan Arabejo, isa ring gold medalist sa 24th Southeast Asian Games sa Nakhon Ratchasima, Thailand kagaya ni Rivero, na makalangoy sa 2012 Olympic Games sa London.

 “Definitely, I will continue my training and hopefully, makalaro ulit ako sa Olympic Games in 2012 in London,” wika ni Arabejo.

 Kamakailan ay nabigyan ng tig-P66,666.00 sina Rivero at Arabejo kagaya nina taekwondo jin Tshomlee Go, swimmers Miguel Molina, JB Walsh, Daniel Coakley at Cristel Simms, divers Shiela Mae Perez at Ryan Rexel Fabriga, boxer Harry Tanamor, archer Mark Javier, shooter Eric Ang, weightlifter Hidilyn Diaz at long jumpers Marestella Torres at Henry Dagmil.

Ang naturang salapi, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco, Jr., ay nanggaling sa suportang P1 milyon ng Pharmaton para sa mga national athletes na lumahok sa 2008 Beijing Games.

Hindi kasama sa listahan sina wushu artists Willy Wang, Mary Jane Estimar, Benjie Rivera at Marianne Mariano.

Nabigyan na ng McDonald’s ng tig-$2,000 sa Beijing sina Torres, Dagmil, Diaz, Perez at Fabriga sa kanilang pagbisita sa outlet nito. (Russell Cadayona)

ARABEJO

BEIJING GAMES

BEIJING OLYMPIC GAMES

BENJIE RIVERA

CRISTEL SIMMS

DANIEL COAKLEY

ERIC ANG

HARRY TANAMOR

HENRY DAGMIL

HIDILYN DIAZ

OLYMPIC GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with