Tiyak na jampacked ang PBA Finals!
Tiyak na jampacked ang finals sa PBA Fiesta Conference.
Bakit kanyo?
O well, pasok na ang crowd-favorite Barangay Ginebra at kahit sino ang makaKalaban nila, inaasahang mapupuno ng husto ang finals.
Tabla sa 2-2 ang serye ng Magnolia at Air21sa isa pang semifinals pair na ang mananalo ang siyang makakaharap ng Gin Kings sa finals.
Sino nga kaya?
* * *
Ano nga kaya ang motibo ng pagkakabaril sa FEU Tamaraws na si Mac Baracael? Walang nakakaalam kung sino ang suspect at ni walang hint kung ano ang dahilan ng pagkakabaril sa mahusay na player ng Tamaraws.
Dahil sa pangyayaring ito, na-trauma daw si Robert Kave, ang foreigner na ka-teammate ni Mac at kasama nang gabing mangyari ang karumal-dumal na insidente.
Eh kahit naman siguro kahit sino ay magkaka-trauma ano!
* * *
Dumarami ang mga donor para sa makaka-gintong medalya sa Beijing Olympic.
Tumataas ang morale at higit na umiigting ang pagnanais ng mga atleta na makasungkit ng kauna-unahang gold sa Olympics.
Haaay, sana nga may makadale ng gold dahil buong bansa ang magdiriwang kapag nangyari ito.
Sana nga at sino nga kaya?
* * *
Masasabing mga banidosa talaga ang mga Pinoy.
Bakit?
Kasi dumarami din ang mga dermatalogist sa bansa. May kanya-kanyang espesyal na ginagawa.
Tulad na lang itong si Dra. Claudine S. Roura, na ang pag-sculpt ng 6 pack abs para sa mga kalalakihan at 2 pack abs naman sa kababaihan ang specialty.
Ang pag-uukit ng 6 pack sa katawan ng tao ang kanyang ginagawa.
At ito ay sa pamamagitan ng Vaser high definition lipo-sculpturing kung saan ang Roura Derm Surgery ang kauna-unahan sa Pilipinas. At take note, anim na oras lamang ang proseso nito at puwede mo nang ipagmalaki ang iyong katawan.
So, sa mga kalalakihan at kababaihan na nais maging maganda ang kanilang katawan at makita ang mga abs nang hindi na kayo mahihirapan sa exercises, maari kayong mag-tungo kay Dra. Roura sa kanyang klinika sa 2nd Floor South Park Plaza, Paseo de Magallanes, Makati City.
Siyempre hindi lang ang 6-pack in 6 hours ang puwedeng gawin ni Dra. Roura, marami pa at yun nga punta na lang kayo sa klinika kung ano ang puwede pa niyang i-offer.
Go na kayo!
- Latest
- Trending