45 points ni Doncic gumiba sa Raptors

LOS ANGELES — Nagsumite si Luka Doncic ng kumpletong 45 points, season-high 15 rebounds, anim na assists at limang steals para tulungan ang Lakers sa 131-125 pagdaig sa Toronto Raptors.
Kumonekta rin si Doncic ng walong tres para sa pagbangon ng Los Angeles (5-2) mula sa naunang 17-point loss sa Golden State Warriors noong Biyernes kung saan nila sinayang ang hawak na 25-point lead.
Nag-ambag si Austin Reaves ng 19 points at kumolekta si Walker Kessler ng 16 points at 15 rebounds.
Bumanat si Scottie Barnes ng 29 points sa panig ng Toronto (3-3) na nakahugot kay RJ Barrett ng 22 markers.
Itinayo ng Lakers ang 102-76 kalamangan sa huling 1:30 minuto sa third quarter, ngunit naputol ito ng Raptors sa single digits.
Nagtuwang naman sina Doncic at Reaves para sa maikling 9-1 atake at tuluyan nang ilayo ang Los Angeles.
Sa iba pang laro, nilunod ng Warriors ang Los Angeles Clippers, 124-112; pinadapa ng Boston Celtics ang Orlando Magic, 108-97; at giniba ng Brooklyn Nets ang Indiana Pacers, 98-90.
- Latest

















