Diaz ipapahinga muna ni Arum
Matapos mahubaran ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ng kanyang world lightweight belt noong Hunyo 28, muling maghihintay ng laban si Mexican-American David Diaz.
“Rest up and wait. I’m going to soak in some warm water, and get ready. I’m kind of a homebody, you know,” wika ng 32-anyos na si Diaz.
Sa bisa ng isang ninth-round TKO ni Pacquiao, nawala sa ulo ni Diaz ang kanyang dating suot na World Boxing Council (WBC) lightweight crown.
Sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na ipapahinga muna niya ang isip at ang katawan ng dating Olympic Games campaigner bago ikuha ng bagong laban.
Handa naman si Diaz, umiskor ng isang unanimous decision kay dating world three-division titlist Erik Morales noong Agosto ng 2007, sa sinumang itatapat sa kanya ni Arum.
Kabilang na sa mga lightweight fighters na nakatakdang lumaban ngayong taon ay sina Joel Casamayor, Juan Manuel Marquez, Nate Campbell at Juan Diaz. Tangan ni Diaz, miyembro ng U.S. Team na sumabak sa 1996 Olympic Games sa
- Latest
- Trending