^

PSN Palaro

Aces humahabol sa outright semis

-

Hindi naging hadlang sa defending champion Alaska Aces ang pagkawala ni two-time Most Valuable Player Willie Miller upang hugutin ang 77-73 panalo laban sa Coca-Cola na nagpalakas ng kanilang tsansa sa ikalawang outright semifinal ticket sa pagpapatuloy ng 2008 Smart PBA Fiesta Conference kagabi sa Araneta Coliseum.

Malaki ang naging papel ng 6-foot-8 na si Sonny Thoss sa panalong ito sa pagkamada ng 12-puntos kabilang ang krusyal na offensive basket sa huling 1:27 minuto ng labanan upang isulong ang Alaska sa 9-7 panalo-talo.

“Without Willie we have to go to a defensive battle and it’s a huge game for us,” ani coach Tim Cone kay Miller, may 18.6 puntos, 5.1 rebounds at 3.9 assists averages. “This is our biggest game this conference and everybody stepped up in this win.”

Ito ang ikatlong sunod na talo ng Tigers na bumagsak sa 9-8 record katabla ang Magnolia Beverage sa likod ng nangungunang Air21 na may 11-6 kartada kasunod ang Red Bull (10-6).

Habang sinusulat ang balitang ito ay naglalaban pa ang Purefoods na may 7-9 kartada at Sta. Lucia na may 7-8 record na kapwa nagpapalakas para makasapat sa awtomatikong quarterfinal slot.

Kailangang ipanalo ng Aces ang kanilang huling dalawang laban kontra Beverage Masters bukas at Gin Kings sa Hulyo 6 at sana ay hindi manalo ang Bulls sa kanilang natitirang dalawang laro para makuha ang outright semis slot. (Mae Balbuena)

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

BEVERAGE MASTERS

FIESTA CONFERENCE

GIN KINGS

MAE BALBUENA

MAGNOLIA BEVERAGE

MOST VALUABLE PLAYER WILLIE MILLER

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with