^

PSN Palaro

Mahalagang panalo asam ng 4 koponan

-

Malapit nang matapos ang double round classification phase ng kasalukuyang 2008 PBA Fiesta Conference kaya mahalaga ang panalo sa bawat team sa kanilang mga nalalabing laro.

Apat na koponan ngayon ang magtatangkang pagandahin ang kanilang katayuan para sa dalawang outright semifinal slot na magiging reward ng top-two teams at tatlong awtomatikong quarterfinal slot para sa No. 3, 4 at 5 teams.

Ang Coca-Cola ay naghahabol sa outright semis slot sa taglay na 9-7 kartada sa likod ng sorpresang leader na Air21 na may 11-6 record kasunod ang Red Bull na may 10-6 kartada.

May pag-asa pa rin ang defending champion na Alaska at Talk N Text sa top-two slots.

Maghaharap ngayon ang Aces at Tigers sa pambungad na laban sa alas-4:50 ng hapon na susundan ng engkwentro ng Purefoods at Sta. Lucia.

Awtomatikong quarterfinal slot naman ang habol ng Barangay Ginebra (7-8), Sta. Lucia (7-8) at Purefoods Tender Juicy (7-9) para maka-iwas sa wild card phase.

Isang panalo na lamang ang laro ng Express para makuha ang outright semis slot at sigurado na sila sa playoff.

Sa kulelat na kartadang 4-13, sibak na ang Welcoat.

Hangad ng Alaska na makabawi sa 75-95 pagkatalo sa Sta. Lucia noong Hulyo 13 na sumira sa kanilang six-game winning streak.

Nais ng Aces na makabangon sa dalawang sunod na talo kontra sa Coke. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ANG COCA-COLA

BARANGAY GINEBRA

FIESTA CONFERENCE

MAE BALBUENA

PUREFOODS TENDER JUICY

RED BULL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with