Rep. Villafuerte bagong chair ng BAP-SBP; Pichay pangulo
Nagsagawa ng halalan ang Basketball Association Of the Philippines- Samahang Basketball ng Pilipinas, Inc. (BAP-SBP) para sa mga opisyales at Board of Trustees sa kanilang national congress noong
Si Representative Luis Villafuerte ay nahalal na Chairman of the Board at si dating congressman Prospero Pichay naman ang nahalal na pangulo. Samantala, si Atty. Boni Alentajan naman ay muling nahalal bilang legal counsel ng asosasyon.
Ang BAP-SBP national congress at halalan ay dinaluhan ng 67 mula sa 80 basketball associations na nakatalaga bilang mga permanenteng miyembro ng organisasyon alinsunod na rin sa Bangkok Agreement na nilagdaan ng mga kinatawan ng BAP-SBP noong February 2007.
Magugunita na ang BAP ay sinuspinde ng FIBA matapos magkaroon ng sigalot sa pamunuan ng grupong ito. Nauwi sa pag-kahati ang BAP, at bunga nito, ang Pilipinas ay hindi pinayagan ng FIBA na makasali sa mga international basketball tulad ng ABC, SEA Games at SEABA hanggang hindi naayos ang gusot sa BAP. Dito nga nabuo ang BAP-SBP matapos lagdaan ng mga kina-uukulan ang isang Memorandum of Agreement sa
Sinabi naman ni BAP-SBP legal counsel Atty. Boni Alentajan na walang magiging problema sa legalidad ng halalan dahil ito ay idinaos naman ng may tamang quorum. Binatikos din nito ang nakaraang pamumuno ni Pangilinan bilang pangulo ng BAP-SBP.
- Latest
- Trending