Isa na lang sa Harbour Centre
Nakalapit sa finals ang Harbour Centre matapos hugutin ang 69-55 panalo laban sa San Mig Coffee sa Game-Two ng kanilang semifinal series sa pagbisita ng PBL Lipovitan Ami-no Sports Cup kahapon sa University of the Cordilleras Gym sa Baguio City.
Bumandera sina TY Tang, Jason Castro at Chad Alonzo para sa Harbour Centre, naghaha-ngad ng kanilang ikalimang sunod na titulo, upang kunin ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-five semifinal series at isang panalo na lamang ang kailangan para maka-sulong sa kampeonato.
Habang sinusulat ang balitang ito ay naglalaban pa ang Hapee Toothpaste at ang Burger King sa Game-2 ng kanilang sariling semis series kung saan nakauna ang Complete Protectors.
Tumapos ng tig-12 puntos sina Tang, Jason Castro at Chad Alonzo at 10 naman kay Jonathan Fernandez.
“We played lousy in the first three quarters, we did not distribute our ball well. Sa fourth quarter lang ka-mi naging aggressive sa defense,” pahayag ni coach George Gallent ng Batang Pier.
Huling umabante ang Coffee Kings sa 47-43 mula sa dalawang free-throws ni JP Alcaraz kasunod ang 13-1 atake ng Batang Pier, kasama rito ang 7 puntos ni Tang, para sa 56-48, 3:47 minuto na lang sa fourth quarter.
- Latest
- Trending