^

PSN Palaro

PBL semis hahataw sa Tarlac ngayon

-

Para sa Harbour Centre at Hapee Toothpaste, ang tunay na giyera ay ngayon pa lamang magsisimula at hangad nilang maisaayos ang kanilang sagupaan para sa titulo sa pakikipagharap sa magkahiwalay na kalaban sa  pagbubukas ng kanilang semis series sa PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa Tarlac State University gym sa Tarlac City.

Ang Batang Pier at Complete Protectors ay nagtapos bilang No. 1 at No. 2 teams ayon sa pagkakasunod sa double-round elims para makakuha ng outright semis berths na nagbigay sa kanila ng isang linggong pahinga na inaasahang magiging bentahe nila kontra sa mga Burger King at San Mig Coffee.

Unang sasalang ang Hapee sa pakikipagharap sa Burger King sa alas-4:00 ng hapon kasunod ang pakikipagsagupa ng Harbour Centre sa San Mig Coffee sa alas-6:00 ng gabi.

Ginamit ng Batang Pier ang kanilang prebilihiyong mamili ng kalaban sa Coffee Kings.

Tampok sa sagupaan ng Batang Pier at Coffee Kings ang pagtatapat nina back-to-back MVP Jason Castro at Bonbon Custodio.

Mabibilis ang dalawang players na ito at malalakas ang loob. Pinatunayan ito ni Castro sa pagpirma ng lukratibong kontrata sa Singapore Slingers na sasabak sa Australia-based National Basketball League.

Ito ang unang pagkakataong lalaruin ang unang laban ng semis series sa labas ng Maynila at ito ay sa tulong nina Philippine Olympic Committee spokesman Joey Romasanta, Tarlac City Mayor Genaro Mendoza at City Sports Development Officer Arnold Rodriguez. Ang Game-Two ng serye ay gaganapin sa Baguio.

ANG BATANG PIER

ANG GAME-TWO

BATANG PIER

BONBON CUSTODIO

BURGER KING

CITY SPORTS DEVELOPMENT OFFICER ARNOLD RODRIGUEZ

COFFEE KINGS

HARBOUR CENTRE

SAN MIG COFFEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with