Pagkakataon naman ng Magnolia upang tapusin ang tatlong sunod na panalo ng Red Bull Barakos.
Kumolekta si Lordy Tugade ng team-high 22 puntos, habang nag-ambag naman sina Dondon Hontiveros at Olsen Racela ng tig-19 upang igiya ang Beverage Masters sa isang 102-95 panalo laban sa Bulls sa classification phase ng 2008 PBA Fiesta Conference kahapon sa De La Salle Sentrum sa Lipa City, Batangas.
Sinelyuhan ni Tugade ang pagbangon ng Magnolia buhat sa isang masaklap na kabiguan sa Welcoat galing sa kanyang dalawang freethrows sa huling 5.4 segundo para sa kanilang 4-2 baraha katabla ang Talk ‘N Text sa ilalim ng Red Bull (5-2) at Coca-Cola (5-2) at kasunod ang Sta. Lucia (3-2), Air21 (3-3), nagdedepensang Alaska (2-4), Welcoat (2-4) at Ginebra (1-5).
Isang three-point shot ni Hontiveros ang nagbigay sa Beverage Masters ng 82-74 bentahe sa 7:44 ng fourth quarter bago magsalpak ng isa pang tres sa natirang 18.9 segundo na nagbaon sa Bulls sa 100-95.
Samantala, ang ikatlong dikit na panalo ang target ng Dragons sa pakikipagharap sa Realtors ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang banggaan ng Phone Pals at Aces sa alas-6:30 ng gabi sa Araneta Coliseum
Sa ikalawang laro, ha\ngad ng Talk ‘N Text na maideretso sa dalawa ang kanilang suwerte, habang hangad ng Alaska na makabawi mula sa isang two-game losing slump.