^

PSN Palaro

SEAGF mas maghihigpit

-

Inaasahang mas magiging mahigpit ang Southeast Asian Games Federation (SEAGF) para sa 25th SEA Games sa Laos sa 2009 hinggil sa mga atletang mapapatunayang positibo sa paggamit ng banned substance.

 Isang patunay rito, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco, Jr., ay ang agarang pagbawi ng SEAGF sa mga medalya ng limang atletang naging positibo sa banned substance sa nakaraang 2007 SEA Games sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

 “They are going to be stricter for the 2009 Southeast Asian Games in Laos,” wika kahapon ni Cojuangco. “Kapag napatunayang gumamit (ng illegal substance), disqualified kaagad, babawiin ‘yung napanalunang medalya at may penalty pa.” 

Kamakailan ay inihayag ng SEAGF ang pagbawi sa bronze medal ni Filipina heptathlete Narcisa Atienza sa 24th Southeast Asian Games bunga ng paggamit ng banned substance.

 Bukod kay Atienza, ang iba pang binawian ng medalya ng SEAGF ay sina Thai boxer Suriya Prasathinpimai (gold), Thai volleyball player Supachai Jitchamroon (bronze), Malaysian polo player Dato Mohamed Moiz (gold) at Vietnamese female boxer Dihn Thi Phuong Thanh (bronze). 

 Ang gold medal ni Suriya, sumuntok ng bronze medal sa 2004 Olympic Games sa Athens, Greece, ay awtomatikong mapupunta kay Filipino middleweight Junie Tizon. 

“Ang sinasabi nila, kailangan bawat NOC (National Olympic Committee) have attend to it already. Kailangan ngayon tingnan natin ang ating mga atleta to make sure to avoid making those mistakes again of taking some drugs or medications or some kind of food that will contain prohibited drug,” wika ni Cojuangco. (RCadayona)

COJUANGCO

DATO MOHAMED MOIZ

DIHN THI PHUONG THANH

JUNIE TIZON

NAKHON RATCHASIMA

NARCISA ATIENZA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with