^

PSN Palaro

Adamson nakalapit sa sweep

-

Nakalapit ang Adamson sa 10-game sweep matapos pasadsarin ang kulelat na St. Benilde, 25-21, 25-20, 25-22 habang isang magandang pabaon naman sa Lyceum ang 22-25, 25-18, 25-14, 19-25, 15-12 panalo laban sa Ateneo patungo sa quarterfinal sa pagpapatuloy ng  Shakey’s V-League Season 5 kahapon sa The Arena sa San Juan.

Ito ang ikaapat na panalo ng Lyceum sa siyam na laro habang nalaglag naman ang Ateneo sa 4-6.

Umaasa ang Lady Eagles, na magbabalik na ang kanilang import na si Jindarat Kanchana na umuwi sa Thailand dahil yumao ang kanyang ama, upang mapalakas ang kanilang kampanya sa susunod na round.

Kasabay ng pagkopo ng league-leader na Adamson ng ikasiyam na panalo sa ligang ito na  sponsored ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision nalasap naman ng St. Benilde ang ika-siyam na sunod na talo ngunit may pag-asa pa sila sa quarterfinals kung saan papasok ang dalawang Visayas teams.

vuukle comment

ADAMSON

ATENEO

JINDARAT KANCHANA

LADY EAGLES

SAN JUAN

SHAKEY

SPORTS VISION

ST. BENILDE

V-LEAGUE SEASON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with