PBA All-Stars simula na
Magsisimula na ang 2008 PBA All-Star Extravaganza ngayon kung saan magpapasiklab ang mga mahuhusay na slum dunker, three point shooters at upcoming stars sa inaasahang dudumuging
Paglalabanan ngayon ang Slum dunk contest, three-point shoot-out, obstacle course at ang sagupaan ng rookies at sophomores.
Buong araw namang abala ang North at South All Star teams para sa outreach program at pagbibigay saya sa mga fans ngunit makikita rin sila sa sideline ng All-Star skills events at Rookies vs Sophomores Blitz Game.
Inaasahang magiging ma-aksiyon ang skills competition kung saan magdedepensa sina KG Canaleta (slam dunk), Dondon Hontiveros (three-point shootout) at Willie Miller (obstacle course) ng kanilang titulo sa alas-5:00 ng hapon.
Isusunod naman dakong alas-7:00 ng gabi ang Blitz Game sa All-Star festivities na ito na sponsored ng Pigrolac, Mighty Bond, Coke at Yakult.
Sina Jay-R Reyes, LA Teno-rio, Mark Andaya at Jireh Ibañes na nagbida sa 122-107 ng rookies sa Blitz Game noong naka-raang taon ay siya nang mag-bibida para sa Sophomore team ngayon.
Si Koy Banal ang coach ng Sophomore na kinabibilangan nina Junjun Cabatu, Mark Isip, Magnum Membrere at Chris Pacana.
Si coach Adonis Tierra naman ang magmamando sa rookies na kinabibilangan naman nina Joe Devance, Ronjay Buenafe, Chico Lanete, Samigue Eman, Doug Kramer, Ken Bono, Yousif Aljamal at Marvin Cruz. (NELSON BELTRAN)
- Latest
- Trending