^

PSN Palaro

NCR bets kumilos na

-

PUERTO PRINCESA CITY -- Humakot pa ang National Capital Region ng anim na golds sa swimming habang lumutang naman ang Cebu City bet na si  Lindley Fran Navaja bilang ‘fastest athlete’ ng Palarong Pambansa sa Ramon V. Mitra Sports Complex dito.

Binura ng 14-anyos na Valenzuela resident na si Dorothy Hong, incoming junior sa Philippine Christian School of Tomorrow, sa kanyang nirehistrong 7.94 segundo ang decade-old secondary girls’ 100m backstroke record ni former national team standout Lizza Danila na 1:08.00 na itinala nito noong 1998 Centennial Palaro upang bigyang diin ang pagdomina ng NCR sa pool.

Bagamat naitala ni Hong ang kanyang oras sa relay event, nacredit pa rin ang kanyang oras ayon kay tournament manager Richard Luna dahil siya ang lead swimmer ng team.

Hindi rin nagpahuli para sa NCR sina Jose Gio Palencia na komopo ng kanyang ikalawang individual gold sa elementary boys’ 100m free sa oras na 1:02.11; Frances May Cabrera sa elementary girls 100m free (1:07.72), ang elementary boys 4x100m medley team nina Fahad Alkhaldi, Jose Gio Palencia, Vincent Edrick Dee, Dunn Clarke Vinluan (4:53.75), elementary girls 4x100m medley quartet nina Denice Hong, Patricia Manuel, Ma. Kristina Bartolome, Frances May Cabrera (5:12.82) at ang secondary boys 4x100m medley team nina Gian Berino, Gabriel Catelo, Kevin Lua at Timothy Yap (4:19.59).

Mayroon nang kabuuang 17 golds sa swimming ang NCR at may 28 pang paglalabanan sa huling dalawang araw ng competition.

Nakopo rin ng Calabarzon bet na si Banjo Borja at Central Visayas’ Loren Dale Echavez ang kanilang ikalawang gold sa boys’ 200m breastroke at secondary girls’ 100m free,  ayon sa pagkakasunod at John Brylle Zapanta ng Bicol sa secondary boys’ 100m free .

Pinarisan ng 16-gulang na si Navaja, kaga-graduate lamang sa University of Cebu, ang kanyang tagumpay noong nakaraang taon sa secondary boys’ 100m sa kanyang 11.12 segundo.

Ngunit  pumukaw ng pansin ang long-legged NCR bet na si Maureen Emily Shrijver, anak ng Belgian at Chinese na lumaki dito sa Manila, dahil sa kanyang ganda at bilis para makopo ang elementary girls’ 100m gold sa oras na  13.00 seconds.

Nangunguna pa rin sa athletics ang Western Visayas matapos ang tagumpay nina Vienna Mae Banebane ng Iloilo sa secondary girls’ 400m hurdles at Sagay City bet Richie Joy Cabanyog sa elementary boys’ shotput. Nanguna rin ang  mga naka-paang  runners na sina Josie Malacad at Rieveneth Jayed Penarubia sa secondary girls at elementary girls’ 800m ayon sa pagkakasunod.

Nanalasa din ang Manila sa women’s artistic gymnastics para sa team crown.

FRANCES MAY CABRERA

GIRLS

JOSE GIO PALENCIA

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with