^

PSN Palaro

Sino ang puntirya ni Peñalosa?

-

Daniel Ponce De Leon, Raul Marquez, Jhonny Gonzales at maging si Marco Antonio Barrera.

Ito ang mga panga-lang posibleng maitapat kay Filipino bantamweight champion Gerry Peñalosa sakaling maging mata-gumpay ang kanyang pagdedepensa kay Thai challenger Ratanachai Sor Vorapin sa Linggo sa Araneta Coliseum.

Ito ang sinabi ni Ra-miro Gonzales, ang public relations officer ng Gol-den Boy Promotions ka-ugnay sa naghihintay na pagkakataon sa 35-anyos na si Peñalosa.

“This fight is very, very important for Gerry for he might be fighting against Daniel Ponce De Leon, (Raul) Marquez or Jhonny Gonzales. So there are many options for Gerry if he wins against Vorapin,” ani Gonzales.

Isang seventh round TKO ang iniskor ni Peña-losa laban sa 26-anyos na si Gonzales sa kanilang paghaharap noong Agos-to 11 sa Arco Arena sa Sacramento para agawin ang suot na World Boxing Organization (WBO) bantamweight crown ng Mexican fighter.

Sa kanyang unang pagtatanggol ng titulo, da-dalhin ni Peñalosa ang 52-6-2 win-loss-draw ring record kasama ang 35 KOs kontra sa 72-9-0 (48 KOs) mark ng 31-anyos na si Vorapin.

Kumpiyansa si Gon-zales na magiging mata-gumpay ang unang title de-fense ni Peñalosa, tinalo ni Ponce De Leon sa kanilang WBO super bantamweight fight noong Marso 17 sa Las Vegas, laban kay Vora-pin sa Big Dome. (RC)

ARANETA COLISEUM

ARCO ARENA

BIG DOME

BOY PROMOTIONS

DANIEL PONCE DE LEON

GONZALES

JHONNY GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with