Matapos magpasiklab noong nakaraang linggo, inaasahang muling baban-dera si Francis Allera para sa Pharex na tangka ang ika-apat na sunod na panalo sa pakikipagharap sa Burger King sa PBL Lipovitan Amino Sports Cup sa Rizal Memorial Coliseum.
Naging susi ang sweet-shooting forward mula sa Gen. Santos City sa dalawang sunod na panalo ng Pharex, ang isa ay laban sa runner-up ng nakaraang kumperensiya na Hapee Toothpaste.
Sa kanyang solidong all-around performance sa nakaraang dalawang laro, inaasahang babantayan ngayon si Allera sa pakiki-pagharap sa Burger King sa alas-2:00 ng hapon.
Ang Medics, na dalawa lamang ang ipinanalo sa 10 games noong nakaraang conference, ay kasalukuyang nasa No. 2 sa standings na may 5-1 card, habang ka-tabla ng Burger King ang Hapee Toothpaste sa 4-2.
Tanging ang defending champion Harbour Centre ang nananatiling walang talo sa 5-0 card.
Magsasagupa naman sa alas-4:00 ng hapon ang Noosa Shoes at Bacchus Energy Drink kung saan hangad ng dalawang team na ito na makabawi sa mga kabiguan.
Layunin ng Shoe Stars na makausad mula sa two game skid sanhi ng 2-3 record na katabla ng San Mig Coffee. Ang Bacchus Raiders ay may 2-4 card.
Laban sa Hapee, nag-poste ang 6’4 na si Allera ng career-best 18 points tam-pok ang 3-of-5 shooting mula sa three-point zone. Sinun-dan ito ni Allera ng 17 points sa kanyang 5-of-6 shooting upang ihatid ang Medics sa 90-75 panalo sa Noosa Shoes noong Sabado kaya napili siyang Player of the Week kahati si Jason Castro ng Harbour Centre. (MB)