^

PSN Palaro

Pacman atat nang lumaban

-

Kung bumibilis man ang pagtibok ng puso ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao nitong mga nakaraang araw, ito ay hindi dahil sa takot niya kay Mexican world super featherweight champion Juan Manuel Marquez.

Ayon sa 29-anyos na si Pacquiao, ito ay dahil lamang sa kasabikan niyang muling makaharap ang 34-anyos na si Marquez matapos ang halos apat na taon. 

“Pabilis na nang pabi-lis ang tibok ng puso ko habang papalapit na nang papalapit ang laban namin ni Juan Manuel Marquez,” wika ng tubong General Santos City. “Sa mga taong nakakakilala sa akin, hindi po ako kinakabahan excited lang talaga ako kaya bumibilis ang pintig ng puso ko.”

Kagaya ni Marquez, gusto ring patunayan ni Pacquiao na siya ang tunay na nanalo sa kanilang unang paghaharap kung saan umiskor ng kontrobersyal na draw ang Mexican fighter noong Mayo 8 ng 2004 sa Las Vegas, Nevada.

At katulad ng kasalukuyang super featherweight ruler ng World Boxing Council (WBC) na si Marquez, handa ring ibigay ni Pacquiao ang lahat ng kanyang lakas para manalo at tuluyan nang maagaw ang korona mula sa kilalang “El Dinamita”.  

“I am really excited in this rematch with Marquez. I know he is going to be 100 percent coming into this fight as I am also giving everything in training. Pareho po kami nag-ensayo ng matindi at sa tingin ko, magkakatalo na lamang kami sa strategy at sa pabilisan ng diskarte sa itaas ng ring,” ani Pacquiao.  (Russel Cadayona)

vuukle comment

EL DINAMITA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MARQUEZ

PACQUIAO

RUSSEL CADAYONA

WORLD BOXING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with