^

PSN Palaro

Harbour Centre vs San Mig Coffee

-

Walang ibang babantayan ngayon kundi ang Harbour Centre.

Iisa ang misyon ng pitong teams sa 2008 PBL Lipovitan Sports Cup, na magsisimula ngayon sa The Arena sa San Juan.

Ang unang magbibi-gay ng mahigpit na hamon sa mga Batang Pier ay ang San Mig Coffee sa tampok na laro sa alas-4:00 ng hapon.

Mauuna rito ay ang sagupaan ng Burger King, dating Mail & More at ng balik-PBL team na Noosa Shoes, dating Blu Detergent.

Ngayong magbabalik na sa team ang mga marquee players ng Harbour Centre na ipinahiram nila sa National team, mas lalong lumakas ang tsansa ng mga Batang Pier sa ikalimang sunod na titulo.

“Having won a record four championships gave us the feeling of security in terms of sharing one’s responsibility,” pahayag ni Harbour Centre owner Mikee Romero. “The players know their respective roles and they can’t veer away from that.”

Hangad ng Coffee Kings na makabawi sa pagsibak sa kanila ng mga Batang Pier sa semifinals ng nakaraang kumperensiya.

Enero pa lamang ay nag-eensayo na ang San Mig Coffee at ang lahat ng kanilang paghahanda ay masusukatan ngayon.

Ang iba pang teams na magtatangkang pumigil sa Port Masters ay ang Hapee Toothpaste, dalawang beses na tinalo ng Harbour Centre sa finals, kabilang ang V-Go Extreme Energy Cup noong December, Toyota Otis, Pharex at Bacchus Energy Drink na sasabak sa Martes pa.

Makikibahagi din sa torneo ang Philippine Youth na nagsasanay para sa dalawang malalaking international para sa taong ito bilang guest team.

Muling babandera sa Harbour Centre sina back-to-back MVP winner Jason Castro, shooter Jonathan Fernandez, center Beau Belga at defense specialist Chad Alonzo dagdag ang mga bagitong at ex-PBA na sina Boyet Bautista at Jeff Chan na lumaro din sa RP team na sinuportahan ng Harbour Centre na nanalo ng gold sa SEA Games noong nakaraang taon.

vuukle comment

BATANG PIER

BEAU BELGA

BLU DETERGENT

BOYET BAUTISTA

HARBOUR CENTRE

SAN MIG COFFEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with