Lugar, ‘di makakaapekto sa pagdepensa ni Donaire
Hindi makakaapekto kay Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. ang lugar na pagdedepensahan niya ng kanyang hawak na world flyweight belt.
Nakatakdang ipagtanggol ng 24-anyos na si Donaire ang kanyang suot na International Boxing Federation (IBF) at International Boxing Organization (IBO) flyweight title laban kay Lebanese challenger Hussein Hussein sa Abril 18 sa
“I think it doesn’t matter where it is. If I perform the best of my ability, I will be able to come out there victorious,” ani Donaire.
Nakatakdang umpisahan ni Donaire, tubong General Santos City at nakabase ngayon sa San Leandro, California, ang kanyang training bilang paghahanda sa 32-anyos na si Hussein.
Ito ang ikalawang pagkakataon na idedepensa ni Donaire ang kanyang IBF at IBO crown matapos umiskor ng isang eight-round TKO kay Mexican challenger Luis Maldonado noong Disyembre 1 sa Mashantucket, Connecticut.
Isang fifth-round TKO ang kinuha ni Donaire kay Armenian Vic Darchinyan noong Hulyo 7 para agawin ang IBF at IBO flyweight belt sa Bridgeport, Connecticut.
Matapos si Hussein,
Samantala, magbabalik naman sa aksyon ang utol ni Donaire na si Glen Donaire sa pakikipagtagpo nito kay Jose Albuquerque ngayong Pebrero 22 sa Sliver Legacy Resort Casino sa
- Latest
- Trending