Nakakuha ng partner ang BAP-SBP sa Nokia at Tao Corporation bilang tagapag-alaga ng National Youth Team na ipinakilala sa media kahapon sa Teatrino sa Greenhills.
Ang koponan na sinuportahan ng P76M ng Nokia at Tao Corporation ay binubuo ng 16-players na may edad na 17-at 18-gulang lamang na magsasanay sa ilalim ni coach Franz Pumaren para sa pinapa-ngarap na Olympics.
Naniniwala ang Nokia sa pamumuno ni William Hamilton Whyte, presidente ng Nokia at Jun Si, pa-ngulo ng Tao Corporation, sa programa na siyang dahilan para ibigay ang kanilang suporta na inaa-sahan nilang maging ehemplo para dumami pa ang susuporta sa programa.
Ayon kay SBP secretary General Pato Gegorio, aalagaan ng SBP ang 16 players na nakatakdang sumabak sa SEABA Juniors championships at Asian Juniors championships.
Kabilang sa team na ico-coach ni Franz Pumaren ay ang mga anak ng mga dating PBA players na sina Gabriel Banal, Jeric Allen Teng, Joseph Marata kasama sina Jairold Flores, Ryan Garcia, Frank Golla Jr., Mark Josel De Guzman, Mark Anthony Lopez, Jed Bryan Manguera, Jaypee Mendoza, Mark Jovet Mendoza, Philip Paredes, Jerome Ramos, John Ray Sumido, Jo-seph Laslee Terso at Joseph Tolentino. (MBalbuena)