^

PSN Palaro

Milo Marathon sa Palawan ngayon

-

Itatakbo ng 32nd National MILO Marathon ang second leg bukas sa Puerto Princesa City, Palawan .

May 10,000 runners ang inaasahang makikibahagi sa 21K qualifying race, 5K fun run at sa 3K event para sa mga bata. Ayon kay Anthony Baisa, MILO Marathon local organizer sa Puerto Princesa, somobra ng 3,000 ang inaasahang runners na sumali.

Ang top three finishers sa men’s and women’s divisions ng 21K race ay uusad sa national finals sa November 30 sa Metro Manila.

Inimbitahan si Puerto Princesa City Mayor Edward  Hagedorn na magpaputok ng starting gun sa ganap na alas-5:00 ng umaga sa Mendoza Park.

Hinihikayat ni Nestle AVP  Pat Gocong ang lahat ng participants na dumating sa starting area bago mag alas-5:00 ng umaga para sa pre-race briefings at check in. Sinabi naman ni MILO Marathon race director Rudy Biscochona kinakailangang isuot ang MILO t-shirts na ibinigay sa kanila pagkatapos ng registration. Ang hindi magsusuot ng MILO T-shirts ay hindi makakasali.

Magkakaroon din ng inter-school cheer-dance competition na isa sa pinakaaabangan sa MILO Marathon.

Ang 32nd MILO Marathon, na suportado ng Bayview Park Hotel-Manila, adidas at Department of Tourism, ay may 26 legs sa season na ito kabilang ang simultaneous elimination races sa Metro Manila, Davao, Cebu at Tarlac sa August 3. 

Nagbukas ang season noong Linggo sa Batangas City  at ang susunod na karera pagkatapos bukas ay sa Clark Freeport sa Pampanga at sa General Santos sa Feb. 24.

ANTHONY BAISA

BAYVIEW PARK HOTEL-MANILA

CLARK FREEPORT

METRO MANILA

PLACE

PLACENAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with