Mariano handang harapin si Makabenta
Tinatanggap ng Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) ang hamon ni Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP) chairman at presidente ng promoter na Raya Sports na si Yen Makabenta sa harapang komprontasyon upang tapusin na ang isyu sa pagitan ng dalawang grupo.
“Just tell us when and where, and we will come,” ayon sa statement ng manager na si Perry Mariano na tinukoy ni Makabenta na nag-iinteres sa kanyang posesyon sakaling ito ay magbitaw.
Umusbong na ang away ng BMPAP at BSCP matapos ihayag ng mga players at managers ang kanilang mga hinaing sa pamamalakad ni Makabenta.
Magkakaroon ng press conference ang BSCP para sa San Miguel Asian Pool Tour at Philippine 10-Ball Open ngunit inaasahang magkakaroon ng komprontasyon dito sina Makabenta at Mariano na nagsabing darating siya rito upang harapin ang BSCP chair.
“I will go to Makabenta’s press conference on Monday to response to his challenge. There, I will help Makabenta in making sure that the truth will come out,” pahayag ni Mariano.
Matapos itatag ang BMPAP kung saan ang tatayong chairman ay ang editor-in-chief na si Isaac Belmonte ng Philippine Star, hayagang kinon-dena ng mga miyembro ng grupo ang pamamalakad ni Makabenta.
Mariing itinanggi ni Makabenta ang mga paratang ng BMPAP at sinabing pinag-iinteresan lamang ang kanyang posisyon.
Bukod kay Mariano ang mga managers na sumapi sa grupo ay sina Aristeo Puyat at Jonathan Sy kasama ang malalaking players na sina Efren ‘Bata’ Reyes, Francisco ‘Django’ Bustamante, Ronnie Alcano, Roberto Gomez, Alex Pagulayan at iba pang mga sikat na bilyarista. (MBalbuena)
- Latest
- Trending






















