UAAP Volleyball: UST, FEU sa Final 4
Nakopo ng defending champion University of Santo Tomas at Far Eastern University ang dala-wang ‘Final Four’ berths matapos ang magkahi-walay na panalo sa UAAP women’s volleyball tournament sa Blue Eagle Gym.
Nakaligtas ang Tigresses sa mabigat na hamon sa ikatlong set upang igupo ang University of the Philippines, 25-14, 25-22, 28-26, sa pag-tutulungan nina Mary Jean Balse at reigning MVP Venus Bernal sa 35 hits.
Umiskor si Rachel Daquis ng 15 markers nang igupo ng
Umangat ang UST at FEU sa 9-2 record para magsalo sa second place, sa likod ng league-leading Adamson, nanalo ng 25-21, 25-11, 25-12 sa
Ang panalo ay ang ika-10-sunod ng Lady Falcons na naglapit sa kanila sa ‘twice-to-beat’ bonus sa semis.
Nakabawi si Balse sa kanyang season-low na 5 points sa four-set loss ng Tigresses kontra sa Lady Tamaraws.
Tumapos naman si Sang Laguilles ng 18 hits, 14 mula sa attacks, at nag-ambag si Michelle Segodine ng 11 hits para sa Adamson.
Nakabangon naman ang
Tumapos si Jackie Alarca ng 20 markers at tig-14 naman sina Mi-chelle Datuin at Carla Llaguno upang isulong ang Lady Archers sa No. 4 spot na may 6-5 record.
- Latest
- Trending