Nakhon Ratchasima--Opisyal na magsisimula ngayon ang 4th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Para Games kung saan magmamartsa ang Team Philippines kasama ng 10 pang ibang kalahok sa opening parade na inaasahang magiging makulay na tulad ng 24th Southeast Asian Games sa Main Stadium of His Majesty the King’s 80th Birthday Anniversary Stadium dito.
Handa na ang may 88 Filipino athletes sa lalahok sa 12 ng 14 na sports events, ayon kay Chef de Mission Ral Rosario.
“Everything’s going smoothly for us,” ani Rosario.
Ang parada ay magsisimula sa alas-4 ng hapon na may 1,396 atleta, coaches at officials ang magma-martsa sa Para Games’ 4th edition na may temang: ”Friendship, Equality, Opportunity.”
Ang aksiyon ay opisyal na magsisimula sa Lunes kung saan ang athletics, fencing, shooting at swimming ay nakatakda sa Main Stadium.
May kabuuang 268 gold medals sa tatlong klase --visually impaired, wheelchair at ambulant--ay nakataya sa swimming at track and field para sa 259 at 250 golds, ayon sa pagkakasunod. (Joey Villar)