Pormang pang-kampeonato ang inilabas ng Harbour Centre
Malaking tagumpay ang itinala ng Harbour Centre.
Marami ang nagduda na malayo na ang Port Masters sa kanilang pangarap na maitala ang makasaysayang four-peat dahil ilan sa kanilang mga key players ay ipinahiram sa national team na nagkampeon sa Southeast Asian Games.
At sa katagalan ng 2008 PBL V-Go Extreme Energy Drink Cup, namayagpag ang Hapee Toothpaste na nagtala ng 11 sunod na panalo upang makasulong sa finals at nagkaroon ng tsansang mai-tala ang kasaysayang tanging team na mananalo ng kam-peonato.
Nakaumang na ang ‘happy ending’ para sa Complete Protectors nang angkinin nila ang Game-One ng best-of-three serye para sa ika-12 sunod na panalo.
Gayunpaman, lumabas ang pormang pangkampeo-nato ng Port Masters na kumopo ng tatlong sunod a titulo, upang itabla ang serye bago iselyo ang tagumpay para sa isang malaking kasaysayan sa liga.
Kahit na nabaon ng 19-puntos ang Harbour Centre sa Game-Three, hindi sumagi ang pagdududa kay team owner Mikee Romero na dinala sa
Matapos bigyan ng ‘clearance’ ng kanyang doctor, nagtungo si Romero sa Kamay Kainan restaurant sa Green-hills upang makipagdiwang sa kanyang team.
“Nandun kasi iyong pressure, naiwan kami ng 19 points, talagang miracle ang nangyari. The emotions, halo halo na. Gusto kong umiyak after ng four-peat. Once in every 25 years lang kasi iyan,” ani Romero. “I think, it’s the sweetest, ito ang pinaka-masarap, lalo na iyong galing ka sa 0-1, tapos down din kami sa semifinals. Basta, I never doubt the team”.
Napanghinaan na ng loob ang mga Batang Pier nang matambakan ng Hapee ngunit hindi tinigilan ni Romero sa pang-eengganyo ang kanyang tropa.
“Lamang iyong kalaban, last 10 minutes (fourth quarter), sinabi ko sa bench na atin ito, nagulat nga sila. Sa last five minutes, sinabi ko ulit, hindi natin ito ipamimigay, sa last two minutes sinabi ko ulit na atin pa rin ito, maniwala kayo. We’re down by eight yata. Siguro ang contribution ko dito is I remind them all the time na never say die. Kumbaga, wag tayong bibigay up to the last one second, lalaban tayo”.
Si TY Tang ang isa sa bumuhay sa Harbour Centre na tinanghal na Most Valuable player ng finals.
Ikalimang sunod na titulo?
Natawa si Romero.
“Baka hindi na ako maka-labas ng ospital pagkatapos,” pagbibiro nito.
Marami ang mawawala sa team kaya’t ayaw maniguro ni Romero.
“Marami nang nagpaalam na babalik sa team nila sa UAAP at NCAA sa halos kala-hati ang mawawala,” ani Romero. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending




















