Magnolia nakabangon
Mula sa isang dikitang laro sa third period, pinalobo ng Magnolia ang kanilang bentahe sa 12 puntos sa fourth quarter kontra
Tumipa si Lordy Tugade ng 30 puntos, 13 rito ay kanyang hinugot sa final canto, at 5 rebounds para ibigay sa Beverage Masters ang 104-92 tagumpay laban sa Aces sa 2007 PBA Philippine Cup kahapon sa Xavier University Gym sa Cagayan de Oro City.
Matapos ang split ni two-time Most Valuable Player Willie Miller para sa 62-64 agwat ng Alaska, isang maikling 9-0 atake ang ginawa ng Magnolia upang iposte ang 73-62 abante sa huling 1:35 ng third period.
Itinala ng Beverage Masters ang pinakamalaking 13-point lead, 94-81, sa 5:12 ng fourth quarter mula sa basket ni Tugade bago ito naputol ng Aces sa pito, 92-99, sa huling 41.6 segundo buhat sa isang 3-point shot ni Miller.
Sumulong ang Magnolia sa 8-7 kadikit ang Alaska (8-7) sa ilalim ng Purefoods (11-3) Red Bull (9-5), Sta. Lucia (8-6), Talk N Text (8-6) kasunod ang Coca-Co-la (6-8), nagdedepensang Ginebra (6-9), Air21 (5-8) at Welcoat (3-12).
Samantala, tangka ng Coke na maideretso sa anim ang kanilang arangkada sa pakikipagkita sa Air21 ngayong alas-7:20 ng gabi matapos ang upakan ng Sta. Lucia at Talk ‘N Text sa alas-4:55 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa
- Latest
- Trending